A House is not a HOme

Pasintabi: Hindi ko po kilala ang may-ari ng bahay na ito (dalawang ginagawang bahay na magkatalikuran). Kami po ay may dinalaw lang na bahay sa parehong komunidad. (opo, bahay ang dinalaw namin sapagkat ang may-ari ay wala ngayon sa bansa at kami ang naatasang mangalaga sa bahay habang ang titira rito ay wala pa).

Kung tama ang aking pagkakaalala, ang pamagat ng aking napiling litrato sa linggong ito ay hango sa isang lumang kanta. Ang bahay ay simpleng istruktura lamang, isang proteksiyon sa lamig at mga masasamang elemento sa kapaligiran. Hindi mahalaga ang lakit nito, kung may apat o higit pang bilang ng sulok. Mas mahalaga na may apat na dingding na kumakalinga sa iyo o sa iyong pamilya (at nawa’y ang mga dingding ay hindi pa ang maging dahilan upang kayo’y magkalayo). Makahulugan lang ang iyong tinutuluyan kung may uuwian kang pangarap, tao o mga taong mahal mo sa buhay at alam mo sa sarili mo na talagang makapagpapahinga ka sa sarili mong mundo. Makahulugan lang ang iyong tinutuluyan kung sa lugar na ito ay maiibsan hindi lang ang pisikal na kapaguran kundi pati ang mga bumabagabag sa iyong puso’t damdamin.

*Bigla akong nakaramdam ng pangungulila.*

- - -

Pahabol. Naalala ko lang ang isang magandang kanta ni Chris Daughtry…

I’m going home,
Back to the place where I belong,
And where your love has always been enough for me.

- - -
LP #3: Apat na Kanto

26 Comments

  1. Marami pang gagawin sa bahay na yan ah :) Gandang araw ng Huwebes!

  2. ha ha, naaliw naman ako sa lahok mo. parang naabandon na bahay at akma sa 4 apat na sulok ha. magandang araw sa iyo! :)

  3. nice song! ganda din ng piktyur!

  4. nakakalungkot naman ang parisukat mo… sana’y mabuo na ang bahay na ito, gayundin ang pamilyang titira rito.
    magandang huwebes sa’yo!

  5. magandang awitin ang Home…. magandang huwebes…

  6. Cathy, napakaganda ng iyong isinulat tungkol sa apat na dingding na kumakalinga. At ang patungkol sa dingding na siya din namang naglalayo sa mga kapamilya.

    Sana nga ay maging kalinga at proteksyon natin ang ating mga tahanan at lalo na ang mga pamilyang kasama natin.

    P.S. ang Science Centrum ay nasa Marikina Riverbanks, sa me bandang likod at malapit sa isang kolehiyo.

  7. tama ang lahat ng sinabi mo. gusto ko ang pagkakakuha mo ng litrato

  8. napakalalim ng iyong akda ngunit sang-ayon ako sa mga sinabi mo. sana’y huwag ka nang mangulila. :)

    magandang huwebes sa ‘yo!

    Munchkin Mommy
    Mapped Memories

    • Leap of Faith!
    • Posted April 17, 2008 at 2:46 pm
    • Permalink

    Cathy, kakaiba ang bahay na iyan… bagamat hindi pa siya tapos eh napansin ko na wala siyang mga bintana. Bahay ba talaga yan at hindi preso… hehehe..

    Paborito ko ngayon ang mga kanta ni Chris Daughtry!

    @ Leap of Faith
    Sa totoo, hindi ko napansin ang aspeto patungkol sa bintana. Pero tama ka sa obserbasyon mo, lahat ng bintana ay natatakpan pa ng mga tabla. Parang bartolina. Tapos, ganito pa kainit??

  9. magandang mensahe. agree ako!!

    happy thursday! :)

  10. Magaling ang iyong entry kaibigan. Mabuhay ka!

    Ambo
    ambothology.com
    pinoyambisyoso.com
    pinoytek.net

  11. Napakaganda ng iyong pananaw sa iyong larawan. Malalim at makabuluhan, nagpapaalala ng mga bagay na dapat bigyan ng halaga.

    Mabuhay ka! :)

  12. mahirap talaga kuhanan ang mga bagay na importante sa buhay. maligayang huwebes!


    @ironnie
    Sang-ayon talaga ako sa sinabi mo.

  13. Sumasaling sa puso mga tinuran mo…dapat ngang mas bigyan ng halaga ang mga bagay na higit ang importansya

    hanggang sa susunod na Huwebes!

  14. ang galing ng akda mo at mahalaga ang mensaheng pinapahiwatig nito.
    maligayang huwebes!

  15. una ko itong pagbisita sa iyong site. isang makabuluhang apat na kanto ang iyong lahok, katotong LP. mabuhay ka! :)

  16. ang ganda naman ng mensahe na kalakip ng iyong litrato. pagdating ng araw, sana ay makapagpagawa rin kami ng tahanan diyan sa atin dahil kahit gaano katagal na kaming wala sa ating bansa, pinas pa rin ang home namin. :) salamat sa makahulugan mong entry! :)

    MyMemes: LP Parisukat
    MyFinds: LP Parisukat

  17. akmang-akma sa tema ang larawan, maganda din ang mensahe mo.

  18. paborito ang kantang Home…napakanta tuloy ako…. ;)

    mahusay na pagkuha ng larawan….

    magandang araw ;)

  19. hello! siguro suhestyon lang sa kuha mo. maganda kung mas tight shot ang kuha mo sa subject, para mas mukhang imposing yung construction :) wala lang :)

    @ris
    Maraming salamat sa iyong pagpuna. Hindi ko pa rin talaga gamay ang “pagpuno” ng frame ng aking kinukunan. May pinasuri rin akong ibang mga litrato sa ilang kakilala at ganyan din ang kanilang napansin. Isa yan sa aalalahanin ko kapag kukuha muli ako ng mga litrato (at sana may mahatak na akong mas gamay humawak ng camera para mas maliwanagan ako kung paano kumuha ng tamang anggulo.. hehe).

    Hanggang sa muli!

    • ELIment
    • Posted April 18, 2008 at 11:50 am
    • Permalink

    ang mga simpleng bagay kung titingnan sa masmalalim na perspektibo ay napakaganda pala! mabuhay ka! nakikita mo ang nakatagong ganda ng isang bagay.

  20. May apat na kanto nga! Hehehe.. Di naman siguro magagalit ang may-ari dahil maganda ang kuha mo sa bahay nya e. :) Baka matuwa pa nga un eh! :)

  21. and daming apat na kanto.. magaling. maligayang araw sayo.. :)

    • akathinitis
    • Posted April 18, 2008 at 9:54 pm
    • Permalink

    Maraming salamat po sa mga nagbigay ng pananaw, saloobin, suhestiyon…(gayun din pala sa mga nakikanta)!

    Hanggang sa muli! :)

  22. cathy, walang anuman. sabi nga nila, practice makes perfect. at ang pagbabasa ng NG magazine :)

  23. tama ka talaga. :)

Post a Comment

*
*