Sunset1 Originally uploaded by cathycardia
Pag-ibig. “Passion”. Pagmamahal.
Naglalagablab na damdamin
Marahil nga, kadikit na ng salitang pag-ibig ang sakit (may hang-over pa ako sa pinanood ko), pero mas masarap isipin (hehe) na ito rin mismo ang lalong nagpapatapang sa iyo, ang nagututulak sa iyo para makipaglaban, at humuhubog sa katauhan mo para mas maging matatag na tao (dahil para sa akin, ang pag-ibig ay hindi pansarili, kung isang bagay na ginagamit na sandata upang proteksiyunan ang mga taong mahal mo)
- - - -
Para sa linggong ito, nais ko sana na kumuha ng mga bagong litrato ng paglubog ng araw sa Manila Bay. Sa kinasawiang palad, ang madalas na pag-ulan ay nagudyok sa Haring araw na magpahinga muna sa likod ng mga ulap. Kaya heto, kuha ko mga dalawang linggo na ang nakakaraan (napost ko na ata itong litratong ito… hehe).
[ Sa totoo, isa sa gusto kong matutuhan ng husto ay ang mga ganitong kuha, ang "sillhouettes" dahil gusto ko ang "dramatic" effect nito ngunit nag-iiwan ng konting misteryo. ]
Tutal, medyo repeat performance ang drama ko, ibabahagi ko na rin ang ginawa ko sa mga kuha ko ng nagpunta kami ng kaibigan ko sa San Miguel by the Bay sa MOA noong Araw ng mga Puso. Ang mga litrato ng nagmamahalan (haha, stalker ba, kaya nga hindi ko magamit ng direkta ang mga litrato, bigyan ko naman sila ng konting privacy?) ay inilapat ko sa litrato ng paglubog ng araw (mga Enero naman iyon).
Hmm.. May naisip lang ako bigla. Nakakatawa pero, sa akin, basta may kilala pa akong mga taong may mala fairytale na kuwento ng pag-ibig, ok na ako. Naniniwala rin akong hindi lahat ay fairytale na mala Disney ang kuwento. Hindi lahat makakikilala ng Prince Charming. Ganoon talaga, kanya-kanya lang yan. Iba-iba tayo ng layunin sa buhay. Lahat tayo may “happily ever after”, hindi nga lang lahat ay natatapos sa matamis na halik (kamusta naman un, baka umaapaw na ng tao ang Earth! hehe)
Maligayang Huwebes!
LP# 7: Umaapoy






31 Comments
*apir* tayo, mamsi Pinky. =)
Salamat. Haha.. baka macensor na ako masyado niyan. GP pa naman to.
artistic ng kuha. parang walang ibang nilalang sa paligid maliban sa 2 nag-iibigan na iyan
awww… i love the shot
huling-huli mo ang silhouette sa apoy ng araw!
magandang huwebes sa’yo!
Waahh!! Paparazzi ako! Hehe. aliw naman ako sa “umaapoy na posing”.
ang galing! nahihirapan ako kumuha ng sillhoute e. haha! paparazzi ka daw!
ang ganda ng kuha mu…
lam mu ba na nangangarap akong manood ng sunset at magkaroon ng picture na ganito ksma ng aking special someone kaso wala ako nun eh kaya naiingit ako sa kuhang ito…hehehehe… effect sa clouds nung araw…naganda ang kuha…
haaay! sana ang buhay parang pictures mo. naka-freeze na ganyan
happy hottie hwebes!
aww..sweetness!! ganda ng lahok mo sa lp
medyo pareho tayo ng approach sa tema ngayong linggo. galing ng kuha.
Napakaromantic… nakakainggit tuloy!
Magandang Huwebes!
napaka gandang pagmasdan ng larawan mo! ako’y isa sa nangangarap na makuhanan din sa ganyang tagpo haha!! happy huwebes po!
ang ganda naman ng piktyur… ramdam ang init ng pagmamahalan…
ako din nga pala ay may sunset na lahok para sa LP
dapat sa mga ganyan, sinusunog (pure evil grin) joke =D spread the Love!
~di naman ako bitter no? weheheh
@ lids, salamat
@ vera — hehe, paparazzing hindi naglalabas ng pagkakakilanlan.. ok na rin! (mas maganda nga naman pakinggan kesa “stalker”)… hehe… nahirapan din ako kumuha ng silhouette shots kaya nga may ilang segundo rin akong parang baliw nung nakuha ko ung gusto kong shot! Haha!
@emoterang nurse - wag tayo mawalan ng pag-asa, darating din yan.. (hihi!)
@Dyes.. hai.. oo nga eh. Yung pde mong itigil ang oras kapag dumating yung panahon na sobrang saya mo. Hottie Huwebes din!
@ Cookie, Carol, Buge, Iska - Salamat! =) Happy Huwebes
@Ettey - Ikaw rin pala ay hindi nahihiya sa pagpapakita ng iyong nag-aalab na damdamin! Mabuhay ka! Haha!
@Jeprocks - Da best ka parin! Pati comment mo pasok sa topic! Tama, pagkasunod.. spread the ashes of love! Oh diba? Hindi naman ganoon ka bitter… Haha! Nag-iinit ka ata ngayon ah.
kakainlove naman ng kuha mo.
hirap pa akong makakuha ng ganyang mga litrato. hehe onting praktis pa daw sabi ng tatay ko. hehe
sa susunod na lp!
ang galing ng mga kuha, nakakainlababo naman talaga oh…hayyyy, kinilig ako ha!
gustong gusto ko yung unang image, ang ganda!
umaapoy sa pag ibig itong lahok mo ah.. korek ka dyan hindi lahat makikkta si prince charming, heto ngang akin naligaw na yata at d ako matunton hahaha. maganda ang drama ng unang litrato mo.. balak ko nga putna diin dyan para mag piktyur piktyur nga lang umuulan na palagi eh malayo pa naman kami..
eto mga lahok ko:
http://jennysaidso.com/2008/05/litratong-pinoy-7-umaapoy.html
http://jennys-corner.com/2008/05/lp-7-umaapoy_15.html
I love the shot . . you captured the moment . . you can actually feel the experience . . . I love silhouettes.
ganda ng sunset! at totoong romantik ang lahok mo!
bigla kong naalala ang mga sawi kong pag-ibig, hehehe
ps: love the photos, so romantic…
Cathy, nakakaingit naman itong mga litrato mo… parang ang sarap naman mag tambay sa MOA at manood ng sunset… kung gagawin ko yan, sisiguraduhin ko lang na wala ka doon at baka kunan mo ako ng litrato at mgaing LP entry din ako… stalker in the making ka…hehehe!
magandang araw ng biyernes….
pag-ibig nga naman!
happy lp!
ala ako masabi kundi….its so breathtaking!
napakaganda ng kuha mo! napakahilig ko din sa mga silhouette shots!
nakaka inlove ang litratong yan ha. happy weekend!
About Christine
Only The Good Stuff
wow so romantic ng entry mo. I love it
Gandang LP sa iyo.
hang sweet naman. happy weekend!
ang ganda naman nito.
ang sarap ulit ma-inlove!
Post a Comment