Nung isang linggo, *naglaro* tayo ng apoy. Ngayong linggo, nakipaglaro ako sa tubig, o mas tama siguro sabihing, nakipaglaro ako sa panahon.
May kuwento ako tungkol sa pakikipagsapalaran naming magkakaibigan sa Norte habang bumabagyo. Isa itong risk na aming sinugal. Hindi ko naman sinasabing isinabak namin ang aming sarili sa kapahamakan dahil alam namin na lumakas man ang bagyo, mayroon kaming bahay na matutuluyan at magiging masaya rin kami kahit ubusin namin ang araw sa pagkukuwentuhan, *pagluluto (-lutuan)*, at pa-petsur-petsur at kahit hindi kami gaano makagala.
Tama nga. Halos nakulong kami sa bahay (pero masaya talaga!), ngunit pinagpala pa rin kami dahil sa huling araw namin ay lumabas ang haring araw at napuntahan naman namin ang gusto naming puntahan. Isa sa pinaka-katingkati kaming gawin ay ito…
Hindi ba’t ang ganda ng ngiti ng mga kaibigan ko? Aakalain mo bang kahapon lamang ay Signal No. 2(o 3?) at sa loob ng dalawang oras ay dapat nakasakay na kami sa bus papuntang kapatagan?
Siguro’y alam niyo na kung saan ito. Hay. Ang dami kong kuwento. Pero sa ngayon, mas mahalaga ata na maayos ko ang mga litrato dahil gustong-gusto na ito makita ng mga kaibigan ko.
- - -
Note: Nahihirapan pa ako kumuha ng litrato na may “tubig”. Sinubukan kong kunan ang ulan (ito ang dapat ilalahok ko ngunit mas heskayted ako ibahagi ang aming pakikipagsapalaran) Hindi ko “mahanap” ang tamang setting, gayun din ang pagkuha ng lawang ito sa kadiliman (nakakatuwa, dahil ngayon ko lang nalaman na bukas ang sila kapag gabi). Hanapin ko pa kung paano. Di bale, tag-ulan na. Marami pang pagkakataon… at baka may suhestiyon kayo? Salamat!
- - –
LP# 8 TUBIG
Samahan niyo ko maggala upang tignan pa ang ibang mga litrato tungkol sa tubig!






17 Comments
oo kitang kita sa mga mukha nila na sila ay nag-enjoy at tila nakalimutan ang pakikipagsapalaran.
http://hipncoolmomma.com/?p=1776
sa Baguio ba yan? hehehe… sobrang tagal ko nang hindi nakapunta roon… 1994 pa ata…
okey din naman, kahit na nakulong sandali eh ang ganda naman ng mga ngiti
gandang ‘webes!
sa baguio? ayos ang galaan!
muntik ng ganyan din ang ilagay ko, hehehe… maligayang araw ng huwebes…
bata pa ako nung huling nag-sagwan dyan!
magandang huwebes sa’yo!
reminds me of my happy days with friends in Baguio some years ago! nagsagwan sagwan din kasi kami dun! ganda
nung bata ako, lagi kaming namamangka dyan
miss ko na nga eh
see u next LP!
buti neg-enjoy kayo at di kayo naapektuhan ng sama ng panahon
haaay! di pa ako nakakapunta ng city of pines ngayong taong ito.
mainam na kahit bumabagyo, kayo ay nagkaroon ng good time
Sa Burnham Park ba ito?
Maligayang Huwebes!
salamat naman at kahit bumagyo ay nagenjoy kayo!
happy LP!
Ang ganda ng mga ngiti ninyo talaga, ganda rin ng ilaw sa gilid
ingat lagi!
ang sarap ng pasyalan basta kasama ang mga kaibigan.
happy weekend!
what lovely smiles, happy thursday
takot ako diyan!
so nanonood lang ako lagi
hahaha
Miss ko na ang Baguio! di bale magandang mga alalaa at litrato ang naipon habang nariyan! Happy LP! Kakamusta kita kay Strauß pag nakita ko hehe…
Post a Comment