Category Archives: Litratong Pinoy

Originally uploaded by cathycardia

Una talagang pumasok sa isip ko ay ang mga ulap. Kay sarap nila pagmasdan lalo na kapag kitang kita mo silang kumpul-kumpol (at napakalapit sa iyo, tulad kapag ikaw ay nasa isang mataas na lugar e.g Baguio). Ang hangin ang nagdidikta ng kanilang pagkilos. Minsan mukhang halos hindi sila maantig sa kinalalagyan nila, minsan naman ay parang sinisikap nilang makipaghabulan sa mga eroplanong nakipaglalaro sa kanila.

Saan pa nga ba masarap panoorin ang mga ulap kundi sa isang malawak at maluwang na lugar? Muli akong nagpunta sa Baywalk kung saan mapapanood mo ang paglubog ng araw, maririnig mo ang paghampas ng tubig sa mga bato, mararamdaman mo ang ihip ng hangin …

… at kung saan para bang nahihipan papalayo ang mabigat mong nararamdaman.

 

- - -
Pasensiya na kung ngayon lang ito at hindi muna ako mahuhuli rin ang lahok ko para sa ngayong linggo. Sira po ang aking computer kung saan nakaimbak lahat ng aking mga kuha. Ngayon po ay kasalukuyan akong nakikigamit lamang kaya ipagpaumanhin na rin po na hindi muna ako makakadalaw sa ibang mga lahok. Sana maayos na computer ko.. magpapasukan na. =(