Nung isang linggo, *naglaro* tayo ng apoy. Ngayong linggo, nakipaglaro ako sa tubig, o mas tama siguro sabihing, nakipaglaro ako sa panahon.
May kuwento ako tungkol sa pakikipagsapalaran naming magkakaibigan sa Norte habang bumabagyo. Isa itong risk na aming sinugal. Hindi ko naman sinasabing isinabak namin ang aming sarili sa kapahamakan dahil alam namin na lumakas man ang bagyo, mayroon kaming bahay na matutuluyan at magiging masaya rin kami kahit ubusin namin ang araw sa pagkukuwentuhan, *pagluluto (-lutuan)*, at pa-petsur-petsur at kahit hindi kami gaano makagala.
Tama nga. Halos nakulong kami sa bahay (pero masaya talaga!), ngunit pinagpala pa rin kami dahil sa huling araw namin ay lumabas ang haring araw at napuntahan naman namin ang gusto naming puntahan. Isa sa pinaka-katingkati kaming gawin ay ito…
Hindi ba’t ang ganda ng ngiti ng mga kaibigan ko? Aakalain mo bang kahapon lamang ay Signal No. 2(o 3?) at sa loob ng dalawang oras ay dapat nakasakay na kami sa bus papuntang kapatagan?
Siguro’y alam niyo na kung saan ito. Hay. Ang dami kong kuwento. Pero sa ngayon, mas mahalaga ata na maayos ko ang mga litrato dahil gustong-gusto na ito makita ng mga kaibigan ko.
- - -
Note: Nahihirapan pa ako kumuha ng litrato na may “tubig”. Sinubukan kong kunan ang ulan (ito ang dapat ilalahok ko ngunit mas heskayted ako ibahagi ang aming pakikipagsapalaran) Hindi ko “mahanap” ang tamang setting, gayun din ang pagkuha ng lawang ito sa kadiliman (nakakatuwa, dahil ngayon ko lang nalaman na bukas ang sila kapag gabi). Hanapin ko pa kung paano. Di bale, tag-ulan na. Marami pang pagkakataon… at baka may suhestiyon kayo? Salamat!
- - –
LP# 8 TUBIG
Samahan niyo ko maggala upang tignan pa ang ibang mga litrato tungkol sa tubig!





